Angas ng bae

“Scientifically walang forever. Dahil lahat ng bagay ay may katapusan, kaya walang forever!” - Mark, Caloocan, 31

“Naniniwala ako sa forever, tulad ng mga lolo at lola ko na hindi na naghanap ng iba hanggang paghiwalayin sila ng kamatayan.” - Russel, Antipolo, 29

“Para sa akin hindi ako naniniwala, kasi kung ita-Tagalog natin, walang hanggan. Eh ang buhay natin, ‘yung iba namamatay ng 50 years old, may 23. So, ayun walang forever.” - Anthony, 18, Quezon

“Depende. Ikaw ang gagawa ng forever. Kapag desidido kayong gumawa ng forever, magkakaroon talaga ng forever. Nasasainyo ‘yun kung magiging committed kayo.” Lito, 42, Taguig

Totoo ‘yung forever. Merong forever sa utang, pero sa love walang forever!” - James, 14, Manila

Show comments