^

Para Malibang

Prutas at gulay may konek sa ating katawan

Pang-masa

Hindi natin napapansin pero may mga prutas at gulay na kamukha o kasing hugis na ibang  parte ng ating katawan. Sinasabi man na nagkataon lang ang pagkakapareho ng anyo sa pagitan ng bahagi ng katawan ng tao at kalikasan,  nakamamangha pa ring isipin ang pagkakahawig ng mga natural na prutas at gulay na ating kinakain.

May paniniwala naman ang iba na ang pagkakahawig ng mga prutas, gulay, o halaman sa ating katawan ay may konek din sa ating kalikasan. Ang maganda pa, ang mga prutas, gulay, halaman, o herbs sa ating paligid ay puwedeng gamiting gamot na panglunas sa ating karamdaman. Narito ang ilang gulay at prutas na may kaparis ng hitsura sa ating bahagi ng katawan:

Carrots – Kilalang nagpapalinaw ito ng ating mata ang karot  na talaga namang maganda sa ating paningin. Alam n’yo ba kapag hiniwa sa gitna ang karot, makikitang may parang bilog din ito sa gitna na crosswise ang ikot na parang kamukha rin ng ating mga mata?

Abokado – Kinakailangan ng anim na buwan bago ito tumubo at mahinog. Ganundin ang mga nagdadalang tao, dahil inaabot ng siyam na buwan bago ma­nganak ang isang buntis. Kung pagmamasdan ang abokado kapag ito ay hinati sa gitna, ang buto nito sa loob ay kahawig ng isang babae na may sanggol sa kanyang  sinapupunan. Ang abokado rin ay mainam sa babaeng nagdadalang-tao.

Walnuts – Ito naman ay may pagkakahawig ang itsura sa ating utak o brain. Akalain mong maganda sa ating brain kapag kumain ka ng walnuts o mani dahil nagpapasigla ito ng function sa ating utak.

Beans – Ito ay may pagkahawig sa ating kidney. Itinuturing itong healthy food dahil nagpapaganda naman ito ng daloy o function ng kidney kapag ikaw ay kumain ng beans.

Kamatis – Ang mapulang kamatis kapag hiniwa sa gitna ay kasing kulay din ng ating puso. Nahahati rin sa apat na parte o puwesto ang kamatis kapag nabiyak ang laman na tulad ng puso ng tao. Malaking tulong din ang kamatis para gumanda ang tibok ng ating puso.

Ubas – Ang grapes ay maganda rin sa puso kapag ito ay kinain. Ang isang tangkay ng ubas na para ring puso na ang bawat piraso nito ay para namang blood cell ng ating katawan.

Iilan lang ang mga nabanggit na bahagi ng ating katawan o organs mula sa ating baga, buto, kidneys, na may kahugis, kakulay, o parang itsura ng mga prutas o gulay na ating kinakain na parehong konektado rin sa kalikasan na mahalaga rin sa ating kalusugan.

ABOKADO

ACIRC

AKALAIN

ALIGN

ANG

ATING

ITO

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with