Ha-ha-ha-ha!

1-Kapag hihingi ka ng tulong sa isang taong hindi mo kaibigan, maging straight to the point, sabihin kaagad na kailangan mo ang kanyang tulong. Mas hindi magiging  maganda ang dating kung sandali kang makikipagkuwentuhan tapos saka isisingit ang paghingi ng tulong. Mas magiging plastic ang dating mo.

2-Kung queen size ang bed ninyong mag-asawa, ang bilhing comforter ay king size para hindi kayo maghihigitan ng comforter sa gabing malamig ang panahon.

3-Kapag lilitratuhan ninyo ang inyong anak, sabihan sila na mag-HA HA HA na parang humahalakhak. Mas maganda ang effect nito kaysa CHEESE or MONEY.

4-Mas magiging maalsa ang pancake kung hahayaan munang naka-standby ang batter ng 15 minutes bago ito lutuin.

5-Mas mabilis at nagiging malutong ang left-over pizza kung ipapainit ito sa kawali sa low fire. Takpan para uminit din ang ibabaw.

 

Show comments