Anong love language mo kay mahal?
Maraming paraan upang maiparamdam ang pagmamahal sa iyong asawa, anak, kaibigan, nobyo, o nobya. Ang tawag dito ay “love language” para maidama ang pagpapahalaga mo sa kanila. Narito ang limang uri ng love language para maintindihan ang needs ng iyong mga minamahal:
Physical touch – Minsan hindi mo kailangan magsalita para maipakita ang pagmamahal o concern mo sa ibang tao. Sapat na ang hand gestures tulad ng pagtapik sa balikat, paghimas, pag-holding hands, lalo na ang pagyakap. Maging ang pagbibigay ng pagpalakpak ng iyong dalawang kamay ay makapapawi na ng lungkot sa anak mong umuuwing talunan sa laro niya sa basketball.
Words of affirmation – Hindi lang masarap sa tenga pakinggan ang makarinig ng positibong comments. Alam mo bang tagos hanggang puso at kaluluwa sa taong pinagsasabihan mo nito. Kaya ang rule sa pakikipag-usap sa mga nursery kids ay dapat puro positive comments dahil sa mura nilang isipan at edad ay nahuhubog ang kanilang self-image.
Quality time – Siguraduhing bakante ang oras at araw mo sa mga birthday o mahahalagang events ng iyong pamilya. Lilipas ang araw o panahaon, pero hindi muna na maibabalik ang oras na dapat ay kasama mo sana sila sa espesyal ng kanilang araw.
Pagsisilbi – Simpleng pagbubukas ng pinto ng kotse o kuwarto kay misis. Maglakad o puwesto sa danger side katabi ng iyong mahal sa buhay. Sa ganitong paraan feeling protected sila sa iyong tabi.
Pagbibigay ng regalo – Hindi naman kailangang bumili. Maraming ideas para makapag-abot ng bagay na makapagpapasaya sa iyong mahal sa buhay.
Ang love ay dapat ipinapakita, tinatanggap, tini-treasure, at pinag-aaralan din para lalo pang maintidihan ang emosyonal na aspeto na kailangan ng ating pamilya at kaibigan.
- Latest