Allergy sa pera?

Ang alam natin ay allergy sa pagkain, alikabok, balahibo ng hayop pero may iba pa palang weird allergies na kinikilala ng mga doktor:

Allergy sa pera – Allergy sa metal kaya ang tinutukoy na pera ay coins. Kapag nakahawak ng coins ay nangangati ang kamay, namumula, nagbubutlig-butlig o mas malala, nagkakaroon ng blisters.

Allergy sa Halik – Ano ba, allergy na sa pera, pati ba naman sa halik? Kung parehong allergy ka sa halik at pera, malamang mapapasigaw ka ng NASAAN ANG HUSTISYA? Kidding aside, ang pasyenteng may allergy ay maaapektuhan kung ang kahalikan niya ay kumain ng pagkaing hinaluan ng ingredients na kontra sa kanyang naturalesa. Ganoon din kung ang kahalikan niya ay umiinom ng gamot na allergy sa kanya.

Allergy sa Sapatos – Ang chemicals na ginamit sa sapatos kagaya ng glue, resin, o tanning ingredients mula sa leather ang nagbibigay ng problema sa kanya. Lalo pang lumalala ang problema kapag pinawis ang paa na nagreresulta ng pangangati at pangangaliskis ng paa.

Allergy sa Underwear – Kadalasan ay synthetic fabrics at  rubber or elastic bands ang dahilan ng allergy. Mas safe kung yari sa cotton ang isusuot na underwear.

Allergy sa Sex – Semen ang dahilan ng allergy. Nakakadama ng burning sensation ang babae at kanyang “down under” ay nagkakaroon ng rashes. Dito ay hindi ka na sisigaw ng nasaan ang hustisya. Sa halip, lalakad ka na nang paluhod sa Quiapo para hilingin na pagalingin ka ng Mahal na Poong Nazareno.

Allergy sa Computer -  Ito ay dulot ng sensitivity sa electro magnetic waves. Ang symptoms ay pagsakit ng ulo at pagtulo ng sipon. Temporary lang ito.

 

Show comments