^

Para Malibang

Lalaki 8 beses na mas sinungaling kesa sa babae

Pang-masa

Ayon sa Bible ang tao ay ipinanganak na sinungaling. Kahit nga ang baby ay marunong nang magsinungaling. Akalain mong mag-iiyak ito kunwari at titigil saglit, tapos mag-iiyak muli ang baby hanggang sa may lumapit sa kanya.  Habang lumalaki ang bata nagsisinungaling pa rin ito, sa edad na 2 years old nambobola na ang anak mo sa iyo. Sa edad na 5 years old kusa ring hindi nagsasabi ng totoo ang bata, kahit hanggang sa kanyang pagtanda.

Sa resulta ng pag-aaral ni Pamela Mayer isang fraud examiner, nagsisinungaling sa atin ang ibang tao mula 10 hanggang 200 beses sa isang araw. Marami sa mga sinasabi nila ay mababaw na kasinungalingan lamang. Tatlong beses naman nagsisinungaling ang dalawang tao sa unang 10 minuto na sila’y magkakilala. 

Sa totoo lang, lahat tayo’y ayaw sa pagsisinungaling. Pero mas madalas tayong magsinungaling sa mga estranghero o hindi kakilala, kaysa sa mga katrabaho natin. Mas madalas din magsinungaling ang mga palakaibigan kaysa sa mga tahimik. Biruin mo, walong beses na mas madalas magsinungaling ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Nagsisinungaling ang mga babae upang mapagtanggol ang ibang tao.  Nakapagsisinungaling ka naman sa iyong asawa ng isang beses sa bawat sampung usapan ninyo. Mababa naman sa dalaga o binata ang bilang ng  nagsisinungaling.

Maraming pag-aaral ang sensiya paano nalalaman kung nagsisinunga­ling ang isang tao. Ayon sa research, kapag todo at mahaba ang pagtanggi ng isang tao, na nagdagdag siya ng mas madaming detalye, sign ito na nagsisinungaling ang kausap mo.

Dagdag pa sa research, ang mga taong sobrang pursigido sa kanilang pagtanggi ay gagamit ng pormal na salita, sa halip ng di’ pormal na pananalita sa kanyang pagsisinungaling.  Inuulit din niya ang tanong bago ito sumagot.

Ang pananalita ay isa sa batayan lamang kung ang tao ay nagsisinunga­ling. Pero kapag tahimik naman ang isang tao, panay naman ang galaw ng mga daliri nito.  Kaya kahit  hindi ka magsalita, walang taong nakapagtatago ng kanyang lihim o pagsisinungaling dahil malalaman pa rin ito sa kanyang mga body languange. 

 

 

 

ACIRC

AKALAIN

ANG

AYON

BIRUIN

DAGDAG

MGA

NBSP

PAMELA MAYER

PERO

TAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with