Ang utak ay nagsisilbing sentro ng kontrol na nagpapagalaw sa buong katawan. Kasama na rito mga activity na ginagamitan ng kamalayan tulad ng ating paglalakad at pagsasalita, samantalang ang hindi ginagamitan ng awareness na ginagawa natin tulad ng paghinga, heart rate, atbp. Kinokontrol din ng utak ang pag-iisip, pang-unawa, pananalita, at pakiramdam. Ang pinsala sa utak, ito man ay resulta ng malubhang trauma sa ulo o pinsalang hindi kinakitaan ng lamat o tagos sa bungo, ay maaaring makagulo ng ilan o lahat ng tungkulin ng utak.
Maaaring magkaroon ng seryoso at pangmatagalang epekto sa pisikal at mental na pagganap sa katawan ang pinsala sa utak, tulad ng pagkawala ng malay, pinalalang memorya o alaala at pagkatao, at bahagi o ganap na paralisis.
Ang pangunahing sanhi ng traumatic brain injury (TBI) ay mga aksidente ng sasakyan, pagkabagsak, mga pananakit, at pinsala mula sa paglalaro ng iba’t ibang sport. Ito ay higit sa dalawang beses na maaaring mangyari sa mga lalaki kesa sa mga babae. Ang tinatayang tala ng mga insidente ay 100 kada-100,000 tao at 52,000 tala ng pagkamatay sa isang taon. Ang pinakamataas na insidente ay nangyayari sa mga taong may gulang na 15-24 at 75 taon at pataas.
Nakapaloob sa mabutong bahagi ng ating bungo, ang utak, ay isang mala-gelatin na bagay na lumulutang sa tubig o fluid ng cerebrospine sa ating ulo. Ang tubig o fluid na ito ay sumusuporta sa utak at nagsisilbing shock absorber sa mabilisang galaw ng ulo. Ang panlabas na bahagi ng bungo ay makinis, ngunit ang panloob na bahagi ay uka-uka - ito ay maaring makadulot ng malaking pinsala mula sa mga pangyayaring maaaring matamo sa loob ng ulo habang gumagalaw o tumatalbog ang utak sa loob ng magaspang na bahagi ng bungo.
Kung ang pinanggalingan ng pinsala ay trauma, ang pinsala sa utak ay maaaring maganap sa panahon na tinamaan ito o maaaring makita ang epekto kinalaunan sa pamamagitan ng maga (cerebral edema) at pagdurugo sa utak (intracerebral hemorrhage) o pagdurugo sa paligid ng utak (epidural or subdural hemorrhage).
Kung ang ulo ay tinamaan nang malakas, ang utak ay umiikot at namimilipit sa kanyang axis (the brain stem), dahilan upang abalahin ang normal na daloy ng nerve pathways na nagdudulot ng kawalang malay. Kung mananatili ang kawalan ng malay sa mahabang panahon, ang nasaktan o napinsalang tao ay ipinapalagay na nasa koma, isang kundisyon na nagdulot ng pagkalagot o pagkagulo ng mga himaymay ng nerbiyo na nanggagaling sa brain stem papunta sa cortex. (sources: Sentro ng Kalahatang Kaalaman Sa Pinsalang Utak, Pambansang Instityut sa Bingi at Karamdaman sa Komunikasyon, Pambansang Instityut of Karamdamang Neyorolohikal at Atake sa Puso.)