Ngayon Sabado kadalasan ay palengke day ni Nanay at sa kanyang pamimili dapat isipin ang tamang nutrisyon na ihahain sa pamilya. Upang maging malusog hindi lang ng mga bata, pati na rin sina Tatay, Lolo, at Lola kailangan kumain ng good nutrition sa ating diet. Higit sa lahat ang tamang nutrisiyon na nakukuha natin ay magsisilbing panlaban hindi lang sa mga simpleng sakit kundi lalo na sa kanser.
Una, bawasan ang pagkain ng karne at mga produktong gawa sa gatas. Ito ay para napapalakas ang ating immune system, upang ito ay mangyari kailangan kumain ng sariwang prutas at gulay sa araw-araw.
Alam mo ba sa bawat pagkain ng sariwang gulay at prutas ang dugo natin ay nagiging “alkaline” na sa halip na maging “acidic” ang isang tao. Kung susundin ang tamang nutrients, ikaw ay makaiiwas sa anumang sakit lalo na sa sakit na kanser. Ang mga pagkaing mayaman sa “alkaline” ay ang mga prutas tulad ng pakwan, mangga, papaya, at mga gulay tulad ng broccoli, cabbage, cauliflower, lettuce, patatas na may balat, kalabasa, talong, okra, kamatis, at egg yolk na hindi gaanong luto.
Nagiging acidic naman kapag ikaw ay umiinom ng carbonated soft drinks, artificial sweeteners, cakes, at pastries, beef, lamb, chicken, beer, wine at liquor, banana ketchup, mayonnaise, mga pagkaing gawa sa gatas, nilagang itlog, table salt (refined or iodized). Ang mga nabanggit ay malakas sa acido kaya madalas sumasakit ang inyong tiyan.
Iwasan o bawasan din ang pagkain ng mga pagkaing hindi natural na nakikita sa kalikasan o dumaan sa proseso ng preservative o processed food. Ito kasi ay nagtataglay ng toxin na unti-unting lumalason sa ating katawan tulad ng coffee, sweetened drinks, candies, smoked, cured or pickled foods, meat, raw animal food, dairy products, fatty foods, alcohol, spreads, artificial sweeteners, saturated fats, at vegetable oils.
Para higit na malabanan ang sakit na kanser ay kumain ng kalabasa, kamote, at carrot. Ang mga nabanggit na gulay ay mayaman sa beta-carotene, na mas madaling ma-absorbed ng ating katawan kapag ito ay luto. Ang pinakamabisang panlaban sa sakit na mayaman sa fiber at may mababang taglay na calorie ay ang cantaloupe, papaya at spinach. Ang Cabbage, broccoli, bok choy, cauliflower, radish, horseradish, celery, at mga sprouts tulad ng mung bean, soybean, lentil, alfalfa, broccoli at brussels ay mayaman sa anti-cancer antioxidants at nakatutulong upang maiwasan ang sakit na colorectal, stomach cancer, at tumors. Ang mga isda tulad ng tuna, salmon, sardines, at mackerel ay mayaman sa Omega-3 fatty acids, na may magandang epekto sa puso at nakatutulong ng malaki upang tanggalin ang mga nakabara sa arteries. Samantalang ang wheat bran, corn bran, rice bran, at oat bran ay mayaman din sa fiber na nagbibigay ng proteksiyon laban sa carcinogens. Ang soybeans at mga produktong gawa sa soya ay mayaman sa phytochemicals na mabisang panlaban sa kanser.