IPINAPATAY mo ako sa hiya, Doc Larry. Bakit kailangang bulatlatin pa? Jeez, this is too much!” hiyaw na naiiyak ni Miley.
“Quiet, please,” giit ng surgeon. “I told you, ang gusto ng reyna ay saktung-saktong replica mo siya.
“An exact copy,” bulong ng duktor. “Naghahabol ako ng oras, hindi ko pa naooperahan nang husto ang misis kong si Joanne!”
Duda si Miley. “Bakit ramdam kong may iba kang motibo, Duktor Larry?”
Nanatili namang nagngingitngit si Blizzard; kung di lang bantay ng mga higanteng ipis ng reyna, pinatumba na sa suntok at sipa ang manggagamot.
Iniabot ng duktor ang huling saplot ni Miley. “Maaari ka nang magsuot ng panties mo. Pati na bra.”
“Pati naman siguro damit, ha, doc?” nakairap na sabi ng dalaga.
“Of course, Miley. At itikom mo ‘yang ano mo...”
“Anung-ano ko, dok?” mataray na tanong ng dalaga. Nasagwaan siya sa bitin na pangungusap ni Doktor Larry.
Napailing-napabuntunghininga ang disenteng manggagamot. “Itikom mo ‘yang bibig mo, that’s what I mean.”
Pahiyang-pahiya naman si Miley. Naging biktima pala siya ng malisyosang isipan sa pagkakataong ito.
“Miley, hindi ako makalabas—nagbabantay ang malalaking ipis!”
Para namang merong nagbulong sa dalaga ng dapat gawin. Tumili siya nang pagkatinis-tinis!
“EEEEEEE!”
Effective! Parang mga hilong talilong na nagpulasan ng takbo palayo ang mga giant cockroaches!
Muling nagkasama sina Blizzard at Miley, mahigpit na nagyakap, as though there were no tomorrow.
Muling naglaro sa isipan ni Doktor Larry ang greatest dream of his life and career. “Alam kong mabubuhay kita forever, my Joanne!
“Ikaw ang kagandahang papalit sa napakapangit na reyna!
“Mabubuhay kayong dalawa na parehong nasisiyahan!”
Sa isipan na lamang nanatili ang ultimate plan ni Doktor Larry: “At saka tayo tatakas pabalik sa kabihasnan, Joanne!” (Itutuloy)