Ang Red Ribbon sa Bamboo Plant

Gusto mong magdala ng good luck ang binili mong bamboo plant, right? Para maging masuwerte ang isang bagay, dapat ay taglay nito ang limang elemento: tubig, kahoy, metal, apoy, lupa. Paano iaasembol ang iyong bamboo plants na pandispley sa loob ng bahay?

Una, kumuha ng glass vase at lagyan ng tubig. 2) Ilagay ang bamboo plants. 3)Lagyan ng bato at coins. 4) Talian ng red ribbon ang bawat stem ng bamboo. Kinakatawan ng bato ang lupa, coins – metal, red ribbon – apoy, bamboo – kahoy, glass vase, at mismong tubig – tubig. Kapag taglay ang 5 elemento, ito ay nagpapahayag ng balanseng enerhiya. At kung balanse ang enerhiya, ito ay nagdudulot ng positibong pangyayari kagaya ng magandang kapalaran.

 

Show comments