Alam n’yo ba na ang mga bata noong prehistoric times ay hindi nabubulukan ng ngipin? Ayon sa American Dental Association, ito ay dahil napakadalang kumain ng mga bata noon ng matatamis na pagkain. Ang enamel ng ngipin ang pinakamatibay na substance sa katawan ng tao. Nagbibigay din ito ng proteksiyon sa ngipin upang hindi dapuan ng bacteria at mabulok. Hindi kagaya ng ibang buto sa katawan ng tao ang ngipin. Wala itong kapasidad magkaroon ng “self repair”. Kaya nga mayroong “pasta” sa ngipin para agad na matapalan o magamot ang nabubulok na ngipin.