Linawin muna natin kung ano ang sinasabi kong panutsa. Ito ay unprocessed sugar mula sa katas ng tubo. Sa bao ito minomolde kaya ang tawag ng iba ay matamis na bao. Ang panutsa ay jaggery sa English. Sa Batangas, ang tinatawag nilang panutsa ay may kasamang mani. At ang mismong jaggery ay pakaskas ang tawag.
Kumain ng kapirasong panutsa pagkatapos kumain. O, kaya ito ang gamiting pampatamis ng tsaa o kape. Hiwain ng maliliit ang panutsa at dikdikin sa almires. Sa halip na asukal, panutsa ang gamiting pampatamis sa inyong lutuin. Upang hindi na magdikdik, muscovado (powdered panutsa) ang bilhin. Pero available lang ito sa piling supermarket. Mas mabilis hanapin ang panutsa na korteng bao. Kahit saang palengke ay meron nito. Ang benepisyo ng panutsa ay ang mga sumusunod:
Mayaman sa Iron at nagpapataas ng hemoglobin level ng dugo, kaya napipigilan ang anaemia. Inaayos din nito ang menstruation cycle ng mga babaeng hindi regular ang dating ng menstruation.
May anti-allergic properties na pumipigil sa ubo, sipon at hika.
Nililinis ang dugo upang maging maayos ang liver function.
Mayaman ito sa magnesium, potassium, sodium, calcium, phosphorous, at zinc. Magnesium ang nagpapalakas ng nervous system at nagpaparelaks ng bronchial muscle upang maging maayos ang paghinga ng isang taong may malalang hika.
*Sa mga diabetics, komunsulta muna kayo sa doctor bago kumain ng panutsa.