Island of the Undead 44

“HINDI ko maabot ang lubid! Umuugoy sa lakas ng hangin!” sigaw ni Miley sa mga nasa helicopter. “Lower! Make it lower!”

Nasa balsang punong-saging pa rin sina Miley at Blizzard, hindi pa ganap na nakalalayo sa Island of the Undead.

Si Blizzard ay lalong tumitindi ang pagkahibang.

Kumakanta na ng awit na nagdadala ng kilabot. Tila nagbabadya ng palapit nang kamatayan.

“Ave  Mari-i-yaaa... Gra-a-tiya pee-e-na...”

“Eeee! Eeeee! Mamamatay na ang mahal kooo! Bilisan n’yo namannn!”sigaw-iyak ni Miley.

“Kailangang maisugod siya sa ospital!  Maawa naman kayooo!”

KATAKK-KTAK-KATAKK.

Pilit kinakalaban ng helicopter ang humahampas na hangin mula sa dagat. Nagpapagewang-gewang na ito.

Kaya ang lubid ay nagsasayaw. At si Miley ay nawawalan na ng pag-asa.

Nagawa pang magbilin ni Blizzard kahit nahihibang. “Miley my love, be happy kahit wala na ako, ha? Saka ang naranasan natin, huwag mong laging isipin para hindi ka ba­ngungutin. Nakakamatay din ang bangungot. And I don’t want you to die because you have lots of potentials!”

Nagalit si Miley. “You fool! Lumaban ka huwag kang magbibilin! This experience should make you stronger! Mabubuhay tayong pareho, Bernard. At babalik tayo sa island of the undead pagkatapos nating mag-train how to eliminate them all! Ang mga undead ang mamamatay, hindi ikawww!”

At isang buwelo sabay talon ang ginawa ni Miley.

Sinundan niya ang imbay ng hangin.

Ang sayaw ng lubid.

At kasabay din ang sigaw kay God. “Diyooooos koooo, let me do this!” At himalang nahawakan nga niya ang lubid ng kaligtasan.

At himala ring naiangat niya si Blizzard mag-isa para makakapit din ito sa lubid.

“Hold on, Blizzard! Hold on to dear life! Babalik na tayo sa parents natin! At magti-training how to kill people who are already dead! Naririnig mo ba ako, Blizzard? Hold on!”

“Yes, Miley! I will!” At parang nawala na rin ang kahibangan ni Blizzard, kumapit ito nang husto.” Nag­lalambitin sila sa hangin, palayo na ang helicopter.

Show comments