Multitasking effective ba talaga?
Kapag nag-search ka ngayong para sa job for hire, karamihan sa mga hinihinging requirements ng opisina ay kung kaya mong gawin ang dalawahang task sa iisang posisyon sa trabahong inaaplayan mo. Pero hindi sang-ayon ang ilang expert sa pagbibigay ng multitasking sa mga manggagawa. Sinasabi sa research, iilan lang ang may kakayahang magkaroon ng solid na katangian bilang worker na talagang focus sa isa o dalawang tasks na particular na kailangan ng masinsinang atensiyon para sa isang posisyon. Malaking kalokohan sa paningin ng expert na mga enterprenuers, ang sumasang-ayon sa multitasking. Akala nila ay nakatitipid sila sa produksiyon pero ang totoo, konti lang ang natatapos na trabaho at ang resulta pa ay poor quality. Ang totoong efficient na empleyado ay pokus ang effort sa trabaho at inaalis ang distraction para sa mas may kalidad o quality na trabaho na mabilisang pang natatapos ang task. Kesa sa multitasking na nasasayang ang pera, energy, at oras sa kauulit-ulit para ayusin ang mga kapalpakan dahil sa multitasking.
- Latest