Bago maligo : Pahiran ng honey ang buong katawan. Hayaan nakababad ito ng 10 minuto saka maligo.
Kapag naliligo:
1--Haluan ng lemon juice ang tubig na ipangbabanlaw sa katawan pagkatapos magsabon. Pangontra ito sa sabon na nagpapakati ng balat.
2--Para lumambot ang balat nang parang sa sanggol, haluan ng isang tasang powdered milk ang isang timbang tubig. Ito ang gamiting final rinse sa pagpaligo.
3--Sa panahon ng tag-lamig, maligamgam lang ang tubig na gamitin sa paliligo. Iwasang gumamit ng mas mainit pa rito. Tinatanggal ng mainit na tubig ang natural oil ng balat.
4--Tuyuin ang katawan sa pamamagitan ng malumanay na pagdampi ng tuwalya sa balat.
Pagkatapos maligo: Pahiran ng lotion ang buong katawan habang ito ay mamasa-masa pa lang. Piliin ang lotion na may sangkap na petroleum jelly at lanolin. Iwasang gumamit ng skin products na may alcohol.