Pagkain pa more na healthy sa libido (2)
Kung mahalaga sa inyo ang inyong sex life, kailangan ding kumain ng mga pagkaing makatutulong sa inyong sexual health.
Nauna na nating natalakay ang mga pagkaing nakatutulong sa ating sex life. Ito ay ang mga kulay berdeng gulay, ang walang tamis na tsaa, itlog, red wine, at red meat (baka).
Narito ang iba pang pagkain na nakatutulong sa sexual health.
Seeds at nuts - Mani, buto ng kalabasa, almonds, walnuts, sunflower seeds, at iba pang nuts.
Paborito nating kutkutin ito. Ang mga nuts ay may monounsaturated fats na pinagmumulan ng cholesterol.
Ang cholesterol ay kailangan ng ating katawan para mag-function ng maayos. Pero alalahanin natin na masama rin ang masyadong mataas na cholesterol.
Noong unang panahon, hinahagisan ng mga Romans ang mga bagong kasal ng wallnuts para raw pampasuwerte sa pagpaparami ng anak.
Iniugnay ang walnut sa fertility dahil kung titingnan ang walnut ay para itong scrotum (itlog) ng mga lalaki at ang laman nitong nuts kung titingnan ay parang vulva o genitals ng mga babae.
Kaya perfect na sexy snack ang walnut na may muscle-building protein at fiber na may health benefits sa ating puso.
Ang pistachios ay nakatutulong sa pagpapababa ng triglycerides at LDL (bad) cholesterol, ayon sa Americal College of Nutrition.
Ang pagkain ng nuts ay pangontra sa cancer, sakit sa puso, at alzheimer’s desease.
Ang mga nuts lalo na ang walnuts at almonds ay nagpapababa ng levels ng LDL (bad cholesterol) at lipoprotein(a) na nagiging sanhi ng clotting o pamumuo ng dugo na sanhi ng stroke ayon sa isang pag-aaral. Ang sunflower seeds naman ay mayaman sa Vitamin E na panlaban sa aging.
Kung healthy ka, mas effective ka sa iyong sexual life.
- Latest