FYI

Ang melon na ginagawang pampalamig at paborito panghimagas ay hindi lang simpleng  prutas dahil marami itong  pakipakinabang sa ating kalusugan. Ang melon ay naglalaman ng mga antioxidant  tulad ng choline, zeaxanthin, at beta-carotene na lahat ay panlaban kahit mula sa simpleng sakit na lagnat hanggang sa malalang karamdaman sa lung o oral cavity cancer. Ayon din sa pag-aaral, puwede ring gawing pang-diet ang melon para mabawasan ang obesity o sobrang katabaan kapag ito ang regular na kinakain pamalit na snack sa halip na mga junk food. Nakatutulong din ito sa mga diabetic, may sakit sa puso, sa ating blood pressure, at hika.  Ang zeaxanthin na antioxidant sa melon ay proteksiyon din sa ating mga mata. Nakatutulong din ang mecholine content ng melon na gumagana habang natutulog para sa ating muscle movement, learning, at good memory. Meron din itong ­­­­Vitamin A na malaking benepisyo sa ating buhok at para sa ating body tissues.

Show comments