Paano mo tutulungan ang isang ‘narcissist?’

Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo tutulungan gumaling ang iyong partner kung siya ay mapapatunayang isang “Narcissist”. Narito pa ang ilang hakbang:

Magpa-counsel – Habang dumaraan sa isang counseling ang iyong partner na narcissit, dapat ikaw din ay dumadalo sa counseling para sa mag-asawa. Makakatulong kasi ito para malaman mo kung paano makikisama sa ganitong uri ng tao. Kung ikaw naman ay single pa at lagi ka na lang nagkakaroon ng karelasyon na narcissist maaaring nagtataglay ka rin ng kaunting degree ng pagiging masokista. Kung saan nakakaramdam ka ng satisfaction kapag nasasaktan ka sa isang relasyon. Sa mga counseling na ito ay makakakuha ng payo para tumibay ang inyong pagsasama sa kabila ng mga ganitong uri ng isyu sa inyong relasyon.

Maging mapang-unawa – Matagal na proseso para maitama ang isang taong may personality disorder. Kaya dapat maging pasensiyosa. Kung talagang mahal mo ang partner mo, dapat hindi mo siya iwanan sa ganitong sitwasyon na lumalabas na ang tunay niyang sakit.

Limitasyon – Ang pagiging maunawain ay iba sa pagiging konsintidor. Kung nakikita mong umaabuso o inaabuso ka na ng iyong partner, dapat mo siyang bigyan ng limitasyon para na rin sa iyong sariling kapakanan at ng inyong relasyon. Matutong sumagot ng “hindi” kung kinakailangan.  Sa pamamagitan nito, matuturuan mo siyang tanggapin na may mga bagay na hindi pupuwedeng mangyari at ibigay sa kanya para lang mapasaya siya.

Show comments