Pagkain pa more na healthy sa libido (1)
Kung conscious sa iyong sexual health, narito ang iba pang pagkain na nakatutulong sa sex life.
Eggs - Maraming health benefits ang itlog sa ating katawan. Mapa-nilaga, scrambled, asunny side, o poached egg, malaking tulong ang itlog sa ating kalusugan dahil mayaman ito sa protina.
Ang itlog ay mayaman sa B6 na nakatutulong para mabalanse ang hormone levels na pangontra sa stress at sa healthy libido.
Kung calories ang pag-uusapan, ang itog ay may maraming biologically usable protein (kung kakainin pati ang pula ng itlog) kumpara sa ibang pagkain tulad ng beef.
Ang itlog ay maaaring isama sa diet kung nagbabawas ng timbang dahil sa taglay nitong protein at B12, isang vitamin na natuklasan sa mga pag-aaraal na nakatutulong sa pagtunaw ng fats.
Red Wine at red Meat- May dagdag dahilan na tayo para uminom ng red wine at kumain ng red meat. Natuklasan kamakailan ng mga Italian researchers na ang mga antioxidants at alcohol sa wine ay nakatutulong sa produksiyon ng nitric oxide sa dugo na nakatutulong para ma-relax ang artery walls at sa blood flow patungong genitals.
Basta limitahan lang ang pag-inom ng red wine sa isa hanggang dalawang baso.
Kung masosobrahan sa inom ay maaapektuhan ang sexual performance at maaaring kung anong hindi maganda ang gawin sa ‘kama.’
Ang dark grape juice ay may antioxidants na polyphenols na nagpoprotekta sa cardiovascular system na nakakatulong para maging flexible at elastic ang balat.
Ang mga redmeat o karneng baka na puro laman ay magandang source ng zinc, na isang mineral na na komokontrol sa produksiyon ng hormone na prolactin na kung tumataas ay nagiging sanhi ng sexual dysfunction,
Ang Zinc ay isang mahalagang nutrient para pampalaki ng muscle at ang mataas na concentration ng conjugated linoleic acids (CLA) sa beef ay makakatulong sa pagbabawas ng timbang.
- Latest