Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na dahil sa sobrang taas ng density ng “Dead Sea” dahil sa taglay nitong alat, napa­kadaling lumutang ng isang swimmer dito. Kaya kung dito ka magsu-swimming, tiyak na matututo ka agad. Ayon sa Big Bang cosmology, ang Universe ay tuluy-tuloy ang paglaki. Ang isang school of thought ang naniniwala na ang nasabing paglaki ay hindi lang paunti-unti kundi nagkakaroon din ng paggalaw ang buong kalawakan ng pabali-baliktad. Kaya naman isang malaking misteryo kung paano nagaganap ang “cyle of bang expansion” dahil kahit pa anong nagaganap sa kalawakan ay hindi naman naapektuhan ang pamumuhay ng tao. Maaaring Ipinanganak ka ng ganito na ang mundo at mawawala rin ang sinuman ng nasa iisang ayos pa rin ito.

Show comments