^

Para Malibang

Pagkaing pampagana ng sex

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Marami na ngayon ang masyadong conscious sa kanilang kinakain lalo na yung mga nagpapapayat at may mga nararamdaman nang kung anu-ano.

Ang tanong: Ikaw ba ay conscious sa iyong sexual health?

Ayon sa mga Sexologists, cardiologists, at psychologists lahat sila ay sang-ayon sa kung ano ang iyong kinakain at kung gaano ito karami ay may epekto sa iyong sexual health.

Ang hindi ninyo alam, ang inyong karaniwang kinakain kapag nagda-diet ay nakatutulong din sa iyong sexual health.

Narito ang mga pagkaing dapat kainin na makatutulong sa sexual health.

Spinach at iba pang green vegetables - Ang spinach ay may mataas na magnesium na nakatutulong para lumuwag o mag-expand ang   blood vessels, ayon sa mga Japanese researchers. Alam naman natin na ang maayos na daloy ng blood flow sa genitals ay nakalilikha ng mas matinding arousal sa lalaki at babae. Ang spinach at iba pang gulay na kulay berde tulad ng  broccoli, kale, repolyo, at iba pang gulay na dahon na mayaman sa folate ay mainam sa sexual health.

Sa reproductive health, maaaring makatulong ang folate sa  blood levels laban sa mapanganib na substance na tinatawag na homocysteine. Ang mapanganib na  amino acid ay nakakairita sa ­lining ng arteries dahil may namumuong mga plaque. Ang  high level ng homocysteine ay isang mala­king risk factor ng peripheral arterial disease (PAD). Lumalabas na nakatutulong dito ang folate.  Sa isang pag-aaral sa Harvard University na ang mga taong kumakain ng maraming berdeng gulay ay 30 percent less na magkakaroon ng PAD (Peripheral Arterial Disease) kontra sa mga lalaking mahinang kumain ng folate-rich foods.

Unsweetened Tea - Kung mahilig sa ice tea ay maganda ito pero sana yung unswee­tened. Hindi lamang ito para iwas diabetis kundi maganda rin sa sexual health. Ang  antioxidant na catechin na mayroon ang tsaa ay nakatutulong sa pagpapaganda ng blood flow sa katawan para sa  sex power at brainpower. Nakatutu­long ito sa memory, mood, at focus.

Ang isang malakas na catechin na ECGC prevalent na mayroon sa green tea ay sinasabing nakatutulong sa fat burn. Sa isang pag-aaral na nalathala sa  Journal of Nutrition, ang pag-inom ng green tea ng apat hanggang lomang tasa sa loob ng 12 weeks experienced, bababa ng 5 percent ang bodyweight.

Uminom ng  freshly brewed green o black tea araw-araw na puwedeng mainit o may yelo. Hindi makukuha ang lahat ng benefit ng tsaa kung nasa bote na tsaa ang iinumin. Iwasan ang asukal sa tsaa. Ang unsweetened tea ay mas mainam kaysa sa soft drinks at juice.

Ang isang 12 ounce na doft drinks  ay tinatayang 10 kutsarita ng asukal.

Ang high-fructose corn syrup sa mga soft drinks ay nagpapataas ng insulin levels ma maaaring ma­ging sanhi ng diabetes. Base na rin sa pag-aaral, ang mataas na sugar ay nagpapababa ng kakayahan ng katawan na mag-produce ng endorphins. Kapag mababa ang  endorphins, nagiging sanhi ito ng depression at kapag may depression, naaapektuhan ang sex drive.

ACIRC

ALAM

ANG

AYON

HARVARD UNIVERSITY

HEALTH

JOURNAL OF NUTRITION

MGA

NBSP

PERIPHERAL ARTERIAL DISEASE

UNSWEETENED TEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with