Babaeng manloloko

Hindi lang mga lalaki ang minsan ay mapaglaro sa kanilang pag-ibig, sa totoo lang may mga babae rin. Kagaya ng naging suliranin ng texter na si Dindo, 29. Palagi na lang  siyang nakakatagpo ng mga babaeng hindi pala seryoso sa kanilang “love life” at nais lang paglaruan ang kanyang emosyon. Paano nga ba malalaman  kung ang isang babae ay matatawag mong “play girl”.  Narito ang ilang paraan:

Malaki ang kumpiyansa sa sarili – Kung nakikita mong ang isang babae ay may mataas na kumpiyansa sa kanyang sarili, posibleng tinitingnan niya ang pakikipag-“flirt” sa’yo bilang laro lamang at hindi naman talaga siya may gusto sa’yo. Pero hindi rin naman ibig sabihin nito ay nais niyang saktan ang iyong damdamin. Maaaring sadyang “flirt” lang siya. Ngunit hindi lahat ng  babae na may gusto sa isang lalaki ay kayang magpakita ng motibo, dahil karamihan sa mga babae ay nahihiya sa oras na nasa paligid niya ang lalaking kanyang nagugustuhan, kahit gaano pa kataas ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Kaya dapat mo pa rin timbangin kung ano ang kanyang karakter at pag-uugali. Siya ba ay propesyunal na “Flirt” o isa lang pangkaraniwang babaeng may  kumpiyansa sa sarili?

Itinatanggi ba niya ang inyong relasyon sa kanyang mga kaibigan at ibang tao? – Normal sa isang babae ang magkuwento ng kanyang “love life” sa kanyang mga kaibigan. Kahit “crush” pa lang niya ito ay kinikilig na itong nagkukuwento sa iba. Pero kung mababalitaan mong itinatanggi niya sa ibang tao, lalo na sa kanyang mga kaibigan ang inyong relasyon, dapat ka ng mag-isip, dahil malaki ang posibilidad na nais pa niyang magpaligaw sa iba at maghanap ng ibang makakarelasyon. Sa makatuwid, ito ang tunay na “play girl”.

Show comments