DINAGIT nga ng dalawang higanteng ipis sina Miley at Blizzard mula sa balsang nasa karagatan. Walang nagawa ang young lovers kundi magtitili at magsisigaw.
“AAAAHHH! EEEEEE!”
Bago nakarating sa Island of the Undead ay nawalan na ng malay-tao ang dalawang tao.
Ibinaba ng mga higanteng ipis sina Miley at Blizzard sa harap mismo ng napakalupit na reyna.
BLAGG. KABLAGG. Tunog ito ng marahas na pagbagsak sa lupa ng katawan nina Miley at Blizzard.
Sa halip na maawa ay lalong pinagmalupitan ni Reyna Coreana ang dalawang bihag.
Pinagtatadyakan. Pinagsisipa sa mukha at ulo, kasama na ang masasagwang salita ng pag-alipusta.
“Bastard shits! Mga traydor! Mga anak ng put--!”
Siyempre pa ay naging duguang walang malay-tao sina Blizzard at Miley. Kaydumi-dumi na ng mga damit ng dalawa.
“Buhusan sila ng tubig!”
SPLASSSHH.
Mayamaya pa ay unti-unti nang natauhan sina Miley at Blizzard. “Uuunn...uunnn.”
Pero sila ay nasa dungeon na, sa bartolina na nakakulong. Pagkadilimdilim doon, mabaho, maputik.
Pakiramdam pa ng dalawang lovers ay kasama nila ang napakaraming mga ahas!
“Blizzard... bakit lalo tayong nabulid sa impiyerno? We don’t deserve this punishment...”
“Miley... pinabayaan na ba tayo ni Lord?”
“Don’t you ever say that, Blizzard! Huwag na huwag tayong magduda sa kabaitan ni Lord!”
NAKARATING na sa lunsod sina Bangekngek, Timbombong at Kurikongkong.
Naghahanap na sila ng mag-asawang plastic surgeons. (Itutuloy)