Walang paltos sa pagbibigay ng pangaral ang mga magulang sa kanilang mga anak. At kung ikaw ang tipong talagang tutok sa iyong anak malamang na sagana na rin ang mga bata sa suhestiyon mo na kumain sila ng mga healthy food at umiwas sa pagkain ng junk food. Tinutulak mo pa sila na magkaroon ng tamang exercise at maging active sa paglalaro ng kahit na anomang sports.
Pero bakit nakaririnig pa rin tayo ng insecuries mismo sa bibig ng mga bata na nagsasabi na sila ay mataba, pangit, o hindi kaya ay payatot ito? Saan ba nakukuha ng bata ang kawalan nila ng tiwala sa sarili? Dahil hindi ka naman 24 oras na nakabantay sa mga bata maraming factors sa paligid kasama na ang school environment o sa kanilang kalaro kung saan nila napupulot ang kanilang insecuries. Hindi lang sa kanilang pisikal na anyo, kundi maaaring sa academic achievement, o struggle sa pagkukumpara sa iba na lalo pang nagpapabigat ng kanilang kalooban. May ilang paraan na makatutulong na malampasan ng bata ang kanilang insecuriies:
Mag-ingat sa iyong pagsasalita- Hindi ka man aware nasasaktan sila, kaya dapat mag-ingat sa iyong sinasabi at isipin muna kung paano mo ito sabihin sa mga bata.
Positibong Komento – May panahon na talagang nakararamdam ng inggit ang bata, siguraduhin na mag-effort na magbigay puna sa kanyang mga magagandang nagawa.
Palakasin ang kumpinyasa- Ipaalala sa inyong anak na unique ang kanyang katangian at wala siyang katulad. Ipaalam din sa bata na magkakaiba ang lakas at kahinaan ng mga tao. Sa pamamagitan nito ay madali sa kanyang matanggap din ang kanyang sarili.