Island of the undead (27)

TAKOT na walang pangalawa. Ito ang grabeng pakiramdam ni Miley mulang walang permisong salingin ng bastos na reyna ng Undead ang kanyang dibdib.

Siya pa naman ay nakatali na sa ibabaw ng kama, nakagapos ang mga paa at kamay nang pabukaka.

Paano ba siya lalaban?  Si Blizzard ay nakita niyang duguan ang bibig, nakagapos din, unconcious.

Mas malalakas na palo mula sa baliw na yatang reyna ang natikman ng binata, alam ni Miley.

Ginawa ni Miley ang huling depensang kaya pa niya.

Sigaw na pagkalakas-lakas. “TAMAAN KA NA SANA NG KIDLAT! SA ORAS DING ITOOO!”

Nayanig sa sigaw ang mga Undead, laluna ang reynang kaharap ni Miley. Ginalaw-galaw nito ang mga tenga, tila pinakikiramdaman kung nabasag ang eardrum.

Ilang  sandali ring nabingi ang mga tenga ni Reyna Coreana. Tahimik na tahimik ang mundo.

Kahit sariling paghi­nga ay hindi nito marinig.

Pero mayamaya ay nagbalik na ang pandinig. Pati pagaspas ng mga ibong nasa himpapawid ay narinig.

Inasahan na ni Miley ang mas malupit na pagganti ng reyna.

Siguro’y mas papaluin siya—sa mukha, sa likod, sa harap.

Baka nga pati mga mata niya ay tusukin nito ng matutulis, mahahaba at maruruming kuko nito.

“Ano nga ba ang pakialam nito kahit mabulag na ako?” sa loob-loob ni Miley. “This abominable lunatic is uncontrollable!

“Baka nga mamaya lang ay bigla na akong pagsasaksakin nito ng matulis na sundang! Hanggang sa ako’y mamatay nang tuluyan!

“At marahil, papatayin na rin ng reynang ito si Blizzard...” Napaluha ang dalaga. “Oh, God...how I wish na sabay na kaming mamatay ni Blizzard.”

Kinabahan si Miley, tingin niya’y di na humihinga ang binata.  Itutuloy

Show comments