Island of the undead 26

 

 

 

KUNG puwede lang ay nais nang mabaliw ni Miley nang mga sandaling iyon. Hindi niya matanggap ang sinabi ni Reyna Coreana.

“Wise ako, tuso at brilliant mag-isip, di ba, Miley?” Nakasungaw sa mga labi ng super-pangit na reyna ng Undead ang malupit na ngisi.

Hindi naitago ni Miley ang galit. “Hindi ka brilliant sa aking diksyunaryo, reynang pangit!

“Isa kang nakakasukang biro ng tadhana sa tulad namin ni Blizzard na matitinong tao!”

Naningkit sa galit si Reyna Coreana.

Walang babalang sinabunutan at pinagsampal-sampal nito si Miley.

Na-caught off-guard si Blizzard, kitang-kita niya ang pagmamalupit ng reyna sa dalagang pinakamamahal.

“Umm-umm! Bubunutin ko ang anit mo! Bruha kaaa!”

PAK-PAK-PAK-PAKK!

Namanhid ang pisngi ni Miley sa lakas ng  mga  sampal.

Ang kanyang  anit ay pagkahapdi-hapdi.

Parang nakatikim ng impiyernong pakiramdam ang napakabait na dalaga.

Pero lalo namang tumapang ang kanyang bibig. “Kasimpangit ng itsura n’yo ang inyong ugali!”

Kumuha ng palupalo ang reyna, pikon na pikon na pinalo sa ulo si Miley.

PAG-PAGG!  Nawalan ng ulirat ang dalaga.

Pati si Blizzard ay hinambalos sa bunganga nang malakas. Sumadsad sa lupa ang binata, duguan ang bibig.

NANG magkamalay si Miley, siya ay nasa ibabaw ng kama, nakatali ang mga paa at kamay sa  apat na poste ng higaan.

Magkahiwalay ang mga paa niya, nahubaran na ng damit, inilabi pa naman ang huling saplot ng kanyang pagkababae—itaas at ibaba.

Na-curious ang reyna ng Undead, ito mismo ang tutuklas sa mga lihim ng nakabukakang bihag.

Parang batang naglalaro si Reyna Coreana—dahan-dahang tinanggal ang saplot ni Miley sa dibdib.  “Voila!”

“Uyyy, ganda-gandaaa!  Parang...Bulkang Mayon!”

Walang magawa si Blizzard kundi magngitngit.   (ITUTULOY)

 

 

Show comments