Ano ang Kapalaran mo sa August 2015?(6)

Kalkulahin ang iyong SUN NUMBER : Birth month + Birth date (November 24 : 11 +24 = 35 reduce to single number = 8 Sun Number)

Sun Number 6

Magiging demanding at boring ang trabaho kaya makakadama ka ng frustration. Magkaganoon pa man, tapusin nang maayos ang trabahong ibinigay sa iyo. Ipakitang maaasahan ka dahil hindi lang sa career may epekto ito kundi magre-reflect din sa iyong lovelife.

Isang hindi inaasahang oportunidad ang dara­ting sa iyo. Mangyayari ito sa pagitan ng 1st at 7th or 22nd hanggang sa katapusan ng buwan. Simulan ang healthy diet at tigilan na ang paninigarilyo.

Muling makikita ang taong minahal mo noon. Papasok ka sa isang relasyong “unconventional by normal standards”. Maaaring ang taong ito na makakarelasyon mo o ang ex na muling makikita ay may birth month na February, June at August. Lucky numbers: 3, 6, 9. Second lucky numbers: 2, 4, 8.

Itutuloy

Show comments