Kahit marami ng nakababatid na ang karaniwang pagkain natin ay nagiging sanhi ng diabetes, sakit sa puso, paghina ng immune system, at cancer. Konti lang ang nakaaalam na konektado ang uri ng iyong kinakain sa magiging takbo ng iyong isip. Ayon sa National Institute of Mental Health, one quarter ng mga taong nagkararanas ng mental disorder taun-taon, at ayon sa pag-aaral ito ay may kinalaman sa iyong kinakain.
Sa bagong research ng mga eksperto ay napatunayang may basehan ang pagsusuri. Ang mga pagkaing gaya ng junk foods o pagkain na mababa ang nutrisyon gaya ng mga sobrang mamantika o nilulubog nang husto sa mantika, process foods, matamis, at refined grains ay maaaring maging sanhi ng problema sa isip.
Kumpara sa mga pagkaing nagmula sa mga sariwang gulay, isda, karne, at mga whole grains. Bagama’t hindi pa naman 100% na ito ay tiyak, wala pa rin mawawala sa iyong kalusugan kung iiwasan ang mga nasabing pagkain na maaaring maging sanhi ng pagkabaliw. Paano nga ba ito mangyayari? Ang good at bad microbes ay nabubuhay sa gastrointestinal tract. Naniniwala ang siyensiya na ang mga microbes na ito ay direktang nagkakaroon ng komunikasyon sa isip at mayroon silang malakas na control sa physical at mental health ng katawan ng tao. Kaya naman kung kakain ng mga junkfoods na ito, mas pinadadami mo sa iyong katawan ang bad bacteria na nagpapahina naman sa mga good microbes na siyang nagbabalanse ng takbo ng iyong isip at katawan. Kapag ganito ang nangyari ay bigla na lang may nababago sa iyong brain chemistry, mood, at pag-uugali na minsan ay nagreresulta pa sa depresyon at pagiging mainitin ng ulo.