Panaginip: Pinuntahan ko ang aming lumang bahay sa Bulacan na wala nang nakatira. Pagpasok ko ay wala na itong gamit maliban lang sa isang silya kung saan nakapatong ang kahon na yari sa kahoy. Pagbukas ko sa kahon ay tumambad sa akin ang maraming pera. Katabi ng pera ay ilang kaha ng sigarilyo. Pinag-iisipan ko kung sino ang may-ari ng pera. Plano kong kuhanin ang pera.---JBH
Interpretation: Ang pera na nasa kahon ay nagpapahayag na may darating sa iyong pera. Ang sigarilyo kapag sinindihan ay nagdudulot ng usok. Ang usok ay simbolo ng problema. May darating sa iyong pera ngunit magdudulot ito ng problema.