^

Para Malibang

Kailan ang tamang pagtatalik para makabuo ng junior o baby girl? (Part 2)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Body temperature -?Hindi nararamdaman ang pagbabago ng inyong body temperature pero ilang araw pagkatapos mag-ovulate, tumataas ang basal body temperature, o BBT ay ang pinaka­mababang body temperature sa loob ng 24-oras. Ang pababagong ito ay sa pagitan ng 0.4 hanggang 1.0 degree Fahrenheit. Malalaman mo ang iyong BBT sa pagkuha ng iyong body temperature tuwing umaga sa pamamagitan ng espesyal  na thermometer.

Vaginal discharge?- Ang discharge  na dapat obserbahan ay ang cervical mucus na nagbabago sa  iyong cycle. Sa loob ng isang buwan, magkakaroon ng kaunting discharge o kaya ay magiging dry. Pero kapag malapit na ang ovulation, mapapansin na mas madami ang lumalabas na cervical mucus. Malinaw ito, madulas, at stretchy na parang puti ng itlog.

Pananakit ng puson - May ibang babae na nagsasabing nakararamdam sila ng pananakit ng puson kapag malapit na ang ovulation.

Ovulation predictor kit -Ang pinaka-accurate method para malaman ang ovulation ay sa pamamagitan ng pagte-test ng hormone levels sa pamamagitan ng ovulation predictor kit (OPK).

Ang OPK ay nagbibigay ng positive result, isang araw o dalawa bago mag-ovulate na nagbibigay ng panahon para planuhin ang baby-making sex. Malalaman sa test na ito kapag mataas ang lu­teinizing hormone (LH) na nangangahulugang malapit nang i-release ng ovary ang egg.

XX chromosomes sa girl, XY chomosomes sa boy - Dapat ninyong malaman na kapag nag-o-ovulate ang babae ng egg, dala nito ang X chromosome. Ang sperm ay maaaring nagtataglay ng X o Y chromosome. Kung ang sperm na may X chromosome ang makaka-fertilize ng egg, ang embryo ay magiging girl (XX). Kung ang sperm na may Y chromosome ang makaka-fertilize ng egg, ang embryo ay magiging boy (XY).

Hindi porket galing sa lalaki ang sperm ay lalaki ang katangian nito. Puwede itong ma­ging male (Y) o female (X) sperm. (ITUTULOY) (Source: wiki­pidea.com. ovulation-calculator.com.)

 

ACIRC

ANG

BODY

DAPAT

MALALAMAN

MALINAW

OVULATION

PANANAKIT

PERO

PUWEDE

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with