Alam n’yo ba na kinakailangan munang sumipsip ng isang honey bee ng 2 milyong bulaklak upang makagawa ng isang libra ng honey? Ang isang tipikal na Amerikano ay kayang umubos ng 28-baboy sa buong buhay n’ya. Gumagastos din siya ng $25 bilyon para sa pag-inom ng beer kada-taon. Ang Astronaut na si John Glenn ang kauna-unahang tao na kumain sa outer space. Kumain s’ya ng purong apple sauce na inilagay lang sa isang tube sakay ng space craft na Friendship 7 noong 1962. Si Franck Epperson ng California ang nakaimbento ng paboritong ‘Popsicle’ ng mga bata noong 1905 kung saan s’ya ay 11-taong gulang lamang. Ang ‘Fortune cookies’ naman ay naimbento ng noodle maker na si George Jung ng Los Angeles. Ang pagkaing ito ay ang pinagsama-samang puso, atay, baga, at bituka ng tupa.
Ito ay pinakukuluan naman sa loob ng tiyan ng ibang hayop at nilalagyan lang ng paminta, asin, sibuyas, at oatmeal.