100 Fengshui Cures (17)

Paraan para suwertehin sa pagtitinda:

85— Gumamit ka ng citrine, hematite, garnet, quartz, malachite, aventurine, agate bilang accessories.

86— Magsuot ng gold or silver jewelry sa kanang kamay.

87— Gumamit ng welcome mat sa entrance ng iyong main door na kulay blue o black.

88— Magsuot ng jade na pulseras sa kaliwang kamay.

Para gumaan ang daloy ng pera sa iyo:

89— Ang palakang may nakasubong Chinese coin ay hindi dapat nakadispley sa mataas na lugar dahil ang perang maaakit nito ay hindi aabot sa iyo. Dapat ay ipatong mo ito sa sahig, doon sa lugar na safe at hindi  matatapakan ng naglalakad.

90— Paniwala ng mga Singaporean Fengshui experts: Ang mga business establishments na nasa tapat ng bus stops ay masuwerte. Ang busina ng bus ay nagdadala ng good energy. Kapag huminto ang bus sa bus stops, ang good energy na bitbit nila ay tatangayin ng hangin at magta-transfer naman sa mga business establishments na malapit sa bus stop. Itutuloy

Show comments