Alam n’yo ba na malaki ang naitutulong ng pag-idlip? Mas lumilinaw ang pag-iisip ng isang tao kapag siya ay nakakaidlip. Gayunman, kung madaming nangangailangan ng idlip, kakaiba naman si Thomas Edison, hindi gumagana ng maayos ang kanyang isip kapag sobra sa anim na oras ang kanyang tulog pero, palagi naman siyang umiidlip sa gitna ng kanyang pagtatrabaho, habang si Albert Einstein ay nangangailangan lang ng tulog na mahigit 10-oras sa loob ng isang taon. Ang dating pangulo ng America na si Bill Clinton ay nagsabi na nakakatulong sa kanyang pagdedesisyon ang pag-idlip. Ang sakit na insomnia o hindi mapagkatulog ay bunga ng stress, magulong isip, alcohol, drugs at night life. Sa isang pag-aaral naman sa Greece, natuklasan nila na ang pag-idlip ay nakakapagpababa ng posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso.