Alam n’yo ba na naniniwala ang mga tao sa Greek noong unang panahon na ang lettuce ay nakakaantok, kaya naman inihahain nila ito pagkatapos kumain. Pero, binago ito ni Emperor Domitian noong 81-96 A.D. Ipinapakain niya ito sa kanyang mga bisita sa umpisa pa lamang ng handaan. Ito ay upang pahirapan ang kanyang mga bisita at piliting makipagsaya pa sa kanya kahit pa inaantok na ang mga ito.