‘Sexercise’ (3)

• I-contract ang pelvic floor muscles tulad ng ginawa sa pagpigil ng ihi ng limang segundo at i-relax ito ng limang segundo at gawin ito ng limang sunod na beses. Unti-unting tagalan ito at gawing hanggang 10 segundo ang contraction at relaxation.

• Mas maganda kung magpo-focus sa pagko-contract ng ng pelvic floor muscles. Dahil baka ang nape-flex na muscle ay ang abdomen, thighs o buttocks. Iwasan ang pagpigil ng paghinga, bagkus ay huminga ng maluwag habang ginagawa ang exercise.

•Isang tip lang para malaman kung ginagawa ng tama ang kegel exercise, para sa mga babae, ipasok ang daliri sa vagina at kapag nag-contract, mararamdaman mo dapat na nahihila papasok ang daliri at para sa mga lalaki, kapag nag-contract, tumataas dapat ang penis. (ITUTULOY)

Show comments