Pilit Naniningil ng Utang

Panaginip: Napanaginipan ko ang pinakamayamang tao sa aming bayan. Pinuntahan niya ako upang singilin ang inutang ko sa kanya. Tumanggi akong magbayad dahil sa totoo lang, wala akong inutang sa kanya. Nagalit sa akin ang mayaman at ipinagpipilitang dapat akong magbayad.---Jossel

Interpretation: Ang mayamang naniningil sa iyo ay simbolo ng mga kaanak mo na umaasa sa iyo. Dumating na sa punto na nadadama mong inaabuso ka na. Hindi na makatwiran ang kanilang pagiging demanding.

Show comments