Sandaang mumunting halimaw (35)

TATLONG malulupit na kidlat ang tumama kay Eugenio sa gitna ng bukid. Ang buto’t balat nang zombie ay naabo agad, tinangay ng hangin sa lahat ng direksiyon ng malawak na kabukiran.

Piping saksi sa nangyari si Shirya, ang diwatang nagmahal nang sagad kay Eugenio. Humagulhol ang apo ni Lola Cinder. HU-HU-HU-HUU.

Humalik siya nang paulit-ulit sa hangin. Ta-nging para iyon kay Eugenio. “Manahimik ka na sa kabilang buhay, aking mahal. Rest in peace”.

Sa himpapawid, natanaw ni Shirya ang palapit na mga ibon. Langkay-langkay ang mga maya at pipit.

Nagbabalik na sa sariling paraiso ang mumun-ting nilalang ng Diyos.

Twiit-twiit-twiiit. Hindi iilan ang dumapo sa balikat at ulo ni Shirya. Mahal siya ng mga ibon.

Nalugod ang hubad na diwata, napaluha sa galak.

WALA nang katau-tao sa libingan nang dalawin ni Miggy o Miguel ang mga simpleng puntod ng mga magulang.

Nakasuot siya ng makapal na jacket na itim, nakasiper nang mahigpit. Napapangiwi siya tuwing nginangatngat ng 99 na mumunting halimaw ang kanyang katawan.

Sakay siya ng taxi, sa tapat mismo ng li-bingan ng mga magulang bumaba.

Pero nagkamali ng tantiya ang mabait na binata. May nakasabay siya sa pagdalaw. Nakilala agad siya nito.

“Miguel! Oh my God, saan ka ba nanggaling? Wala ka sa burol at libing ng mga magulang mo!”

“Tiya Pura...m-mahaba pong istorya...”

Tiyahing buo ni Miggy si Tiya Pura, parang anak ang turing nito sa kanya. Ipinagtapat niya kay Tiya Pura ang lahat-lahat.

Pati na ang tungkol sa 99 mumunting halimaw.

“N-nandiyan ‘ka mo sa loob ng jacket mo, Miguel?”

Tumango ang binata, umiiyak.  “Ilang beses ko na pong tinangkang magpakamatay. Pero sa last minute po, nananaig ang takot ko sa Diyos”. “Miguel gusto kong makita. Ngayundin, ilabas mo ‘yang  ano mo”.

“Ang ano ko po, Tiya?”

 (ITUTULOY)

 

Show comments