Last Part
Ito ay karugtong ng paksa kung bakit may mga lalaking “hot” at “cold” pagdating sa relasyon. Narito pa ang ilang dahilan.
Kagaya ng mga babae, ang mga lalaki rin ay hirap sa kanilang pakikipag-break. Ang kaibahan lang, hindi agad mapakawalan ng lahi ni Eva ang mga ilusyon ng kanilang pagmamahalan, pero, sa mga lalaki naman, hindi lang nila kayang tagalan ang katotohanan na kung wala silang makikitang higit sa kagaya mo ay mag-iisa na lang siya kaya ang kanyang gagawin ay agad na babalik sa’yo. Sa kasabihang Ingles: “He’s looking for a greener pasture”. Ang katotohanang ito ay masakit, ngunit kailangan mong tanggapin. Dahil kung hindi ay mas matatagalan ka lang na makakaranas ng pananakit niya sa iyong emosyon. Gugustuhin mo ba na makita mo siyang mainit na mainit sa pagsuyo sa’yo ngayon sasabihin niya na hindi niya kayang mabuhay ng wala ka, ngunit ilang oras lang ay tatratuhin ka naman niya na tila hangin na wala sa kanyang paligid kaya wala rin siyang pakialam sa kung anong mararamdaman mo. Kung totoong mahal ka ng iyong bf, hindi ganito ang pakikitungo niya sa’yo, bagkus ay pagmamahal at buong atensiyon lang ang ibibigay niya sa’yo, dahil ayaw ka niyang mawala sa buhay niya. Kaya lang, dahil sa siya ay “hot” at “cold” sa inyong relasyon, dapat ka ng mag-isip at kuwestiyunin ang pananatili mo sa kanyang tabi. Maaari mo siyang kausapin tungkol sa kanyang ganitong trato sa’yo, at muling bigyan ng pagkakataon ang inyong relasyon.
Ngunit kung wala pa rin pagbabago sa kanya, wala ka ng ibang dapat gawin kundi magpaalam sa kanya at hayaan siya sa landas na nais niyang puntahan. Ang iyong emosyonal na kalusugan ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Tingnan ang magandang kinabukasan na naghihintay sa’yo dahil naroon ang taong karapat-dapat sa pagmamahal mo. Hindi mo trabaho ang baguhin ang ganitong uri ng tao, dahil siya lang ang makakagawa nito.