SA LANGIT na nga humihingi ng awa ang buto’t balat nang si Eugenio. Nais na ng lover na ito ni Shirya na maglaho na sa mundo.
“Patamaan Mo na po ako ng kidlat, Panginoon! Hirap na hirap na po ako! Wala na pong purpose o kahulugan ang aking buhay!
“Hiram ko lang po sa Inyo ang buhay ko, isinosoli ko na po!” petisyon ni Eugenio sa Langit.
“Sa Inyo na po talaga, maraming salamat po sa Inyong pagpapahiram sa akin! Naranasan ko pong mabuhay sa Inyong pinagpalang planeta ng mga tao! Forever thankful ako, my Lord!”
Si Shirya, ang hubad na diwata ng nakakubling batis sa gubat ay luhaang nakatanaw kay Eugenio.
Dinig niya ang bawat kataga ng panalangin ng binatang inuuod. Nakikiisa na siya sa panalangin nito sa Diyos.
Gusto na rin niyang lisanin ni Eugenio ang kanilang mundo.
Nakipetisyon si Shirya sa Langit. “Patamaan Mo na po si Eugenio ng dalawang kidlat! Para po matiyak nang siya ay malulusaw!
“He deserves a decent death, Panginoong Diyos! Ganoon ko po kamahal si Eugenio na handa na kong mawala siya habambuhay!”
Ang Langit ay wala pang sagot. Ang sumagot ay ang tinig na pamilyar sa diwatang ayaw nang magdamit.
“Shirya, kinokontra mo ang iyong sarili?”
Napalunok ang diwata. “L-lola Cinder?”
“Ako nga, apo. Binulabog mo ang pananahimik ko. Magpaliwanag ka bago magliwanag sa silangan.” Nababanaag na ang papasikat na araw sa umaga.
“Shirya, apo, paano mo maaatim na ang iyong mahal ay nais mong .... maglahong tuluyan?”
Malalim ang sagot ng diwatang walang saplot. “Sobra ko pong mahal si Eugenio na nanaisin ko pang matapos na ang kanyang pagdurusa, Lola Cinder! Ako na lang po ang aako, ang sasalo sa kanyang paghihirap.”
Mangha si Lola Cinder. Napahanga ito sa supreme sacrifice na tatawirin ng apo sa mahaba pang buhay nito.
Maya-maya, nagpasya na ang Langit. Hindi dalawa kundi tatlong kidlat ang pinatama kay Eugenio. Kisst-kisst-kissttt! (ITUTULOY)