Sala sa init, sala sa lamig (1)
Maraming nagsasabi na masyadong kumplikado ang mga babae, pero, sa totoo lang may mga lalaki rin na masyadong palaisipan sa mga babae ang kanilang mga ikinikilos at sinasabi. Kagaya ng problema ni Tina, 23, hindi niya maintindihan ang kanyang boyfriend, dahil tila ginagawa siya nitong yoyo, makikipag-break sa kanya pagkatapos ng ilang buwan ay babalik din. Tila isang roller coaster ang kanilang relasyon. Bakit nga ba may mga ganitong uri ng lalaki? Ano nga ba ang kanilang nasa isip at ganito ang kanilang ginagawa. Ayon sa ezine articles.com, may mga ex-bf/gf ka talaga na hindi mo agad maiwan, ngunit hindi naman din nangangahulugan na ibigay mo sa kanya ng 100% ang iyong kaligayahan kaya dapat ka laging magmakaawa na huwag ka niyang iwan. Sa totoo lang, kapag nasa ganitong uri ka ng relasyon, inilalagay mo ang iyong emosyon sa kapahamakan. Ang ganitong uri ng karelasyon ay inilalagay niya sa kanyang mga kamay ang control ng inyong pagsasama o paghihiwalay at ito ay magdudulot sa’yo ng matinding stress lagi. Siyempre hindi mo naman gugustuhin na palaging masaktan. Kailangan mong alamin kung paano mo idi-deal ang ganitong uri ng bf. Una nating talakayin bakit nga ba ganito ang isang lalaki/bf? Hindi kasi lahat ng lalaking nakikipag-break ay ganito ang ginagawa, ang babalikan agad-agad ang kanilang ex-gf. Bagama’t may ilang lalaki na ganito ngunit madalang naman sila. Minsan, inaakala mo na nalilito lang siya sa kanyang feeling dahil sa sobrang pagmamahal niya sa’yo. Kung ganito ang iyong naiisip, isang malaking pagkakamali ang iyong akala. Dahil ang realidad at hindi mo napapansin ay masyado ka lang niyang inaabuso o sinasadista ang iyong puso at emosyon at posible naman din na hindi niya ito napapansin.
- Latest