Feng Shui sa kuwarto ng katulong
Katulong ang mas specific na gamitin. Siya ‘yung sinusuwelduhan mo para tulungan ka sa gawaing bahay. Ang kasambahay ay malawak na salita – ito ay tumutukoy sa mga taong kasama mong tumitira sa iisang bahay. Puwedeng ang kasambahay (short for kasama sa bahay) ay kamag-anak o ibang tao na nakikitira sa bahay na tinitirahan mo rin.
Ang kuwarto ng katulong or servant quarter ay mainam na ilagay sa Southeast sector ng bahay. Ang resulta ay magiging masunurin ang katulong at kontrolado ng kanyang amo.
Kung imposible, ang second good choice ay kuwartong nasa Northwest sector.
Huwag sila patutulugin sa kuwartong nakaposisyon sa Northeast at Southwest. Magiging dominante pa iyan sa amo o kaya aasta iyan na mas magaling pa siya sa amo as in “mahilig magmaganda”. Kapag minamalas, matutukso pa silang pagnakawan ang kanilang amo.
Kaya kung nagpapagawa pa lang kayo ng bahay, hangga’t maaga ay sa mga nabanggit na direksiyon magpagawa ng kuwarto ng katulong.
- Latest