‘Crush ko si Sir’

Dear Vanezza,

Call me na lang Sweet, 14 years old at 3rd year high school sa pasukan. Nag-aaral po ako sa isang Catholic school. Crush na crush ko po ang teacher namin sa Religion. Ang guwapo po niya at mukhang artista. Ang ganda-ganda rin po ng boses niya parang DJ. Kaya lang ay isa po siyang pari. Marami rin sa mga classmates ko ay crush siya. Kapag nagtuturo siya sa amin, napapatunganga ako. Madalas kapag tinatawag niya ako para akong natutulala. Para tuloy nakakahalata na siya na may gusto ako sa kanya. Ngayon pong pasukan baka siya na naman ang teacher namin sa Religion. Paano ko po kaya maaalis ang feelings ko sa kanya?

Dear Sweet,

Normal lang sa edad mo ang humanga sa opposite sex. Pero dapat mong maintindihan na ang admiration is not necessarily love. Isa pa, pari siya. May mga vow of chastity ang pari at kung magpapakita ka ng motibo, para mo na rin siyang tinukso. Lilipas din sa katagalan ang nadarama mo para sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments