Tigdas (1)
Ang tigdas (Ingles: measles) ay isang karamdaman kung saan nagkakaron ng pamamantal o rashes sa buong katawan, pagkatapos ng ilang araw na may mala-trangkasong pakiramdam (lagnat, ubo at sipon, red eyes). Ito ay karaniwang sakit ng mga bata, at noong unang panahon, isang kasabihan na ang tigdas ay normal na bahagi ng paglaki sa mga bata. Ngayon, dahil sa pagpapabakuna, umoonti na ang mga kaso ng tigdas, ngunit marami paring naapektuhan nito.
Ano ang kaibahan ng tigdas sa tigdas hangin?
Magkaiba ang tigdas sa tigdas hangin (Ingles: german measles; medikal: rubella). Ito ay seryosong karamdaman sapagkat naapektuhan nito hindi lamang ang balat, kundi ang baga (ubo’t sipon) at maaaring ang tainga. Mas matagal ang sintomas ng tigdas (5 hanggang 7 araw) kaysa tigdas-hangin (2 hanggang 3 araw).
Ano ang sanhi ng tigdas? Ang tigdas ay dulot ng isang virus na ang tinatawag ay Morbillivirus paramyxovirus. Ito ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may taglay na virus — isang sitwasyon ng maaaring mangyari kung may taong may tigdas na nasa paligid.
Mga sintomas
Mataas na lagnat na nagsisimula 10 hanggang 12 araw matapos na malantad sa virus ang unang sintomas ng pagkakaroon ng tigdas.
Kabilang din sa sintomas ang pagkakaroon ng uhog o runny nose, mapula at nagluluhang mga mata at maliliit na puting mantsa (spots) sa mga pisngi sa unang atake o antas ng sakit.
Ilang araw pa ang lilipas, magpapantal-pantal na ang pasyente at karaniwang makikita ito sa kanilang mukha at leeg.
Matapos ang tatlong araw, kakalat ang pamamantal sa halos buong katawan ng pasyente at lilipas naman ito sa loob ng lima hanggang anim na araw.
- Latest