Sandaang mumunting halimaw (3)
GALIT na galit si Shirya sa mga pumatay kay Eugenio. “Pinatay n’yo ang tanging lalaking mahal ko!
“Pagsisisihan n’yo ito! Isinusumpa kong kasusuklaman n’yo ang araw na kayo’y isinilang!” sigaw ni Shirya, nalimutan nang takpan ang kahubaran.
Bale-wala kina Brendo, Primo, Max at Marko ang banta ni Shirya. Wala nang makapipigil sa pagnanasa nila sa babaing walang saplot. Namemorya ni Shirya ang anyo ng limang mangangaso—pati na ang mukha ni Miggy na hindi alam ni Shirya ay napakabait.
“Saka na lang kami siguro magsisisi ng kasalanan, miss—kapag nakapagpasasa na kami sa kaseksihan mo!” nakangising sabi ni Max. Ganito rin ang sabi nina Brendo, Marko at Primo.
Huli na nang maunawaan ni Shirya na siya ay gagahasaain. Natakpan na ang kanyang bibig at nasuntok na sa sikmura.
Sa nanlalabong diwa ni Shirya ay natatandaan niya ang mga gumagahasa. Isa, dalawa, tatlo, apat... parang narating nina Primo, Brendo, Marko at Max ang sukdulan ng kamunduhan. Sa unti-unting pagkawala ng malay ni Shirya, inasahan na niyang gagahasain din siya ng panglima. Nakausal pa naman ng sumpa si Shirya bago nag-pass out. “Lahat kayo... ay tutubuan ng... sandaang halimaw...”
Tinawanan lang ito ng apat na hayok.
Hindi na nalaman ni Shirya na hindi siya ginalaw ng mabait na si Miggy. Iniyakan pa nga nito ang pagkadurog ng kapurihan ni Shirya.
WALA na ang limang mangangaso nang pagbalikan ng malay-tao si Shirya. Tumambad sa kanya ang duguang bangkay ni Eugenio.
Kaylakas ng palahaw ni Shirya. “Eeee! Hu-hu-hu-huuu! Eugeniooo!”
Niyakap niya nang buong higpit ang bangkay ni Eugenio, hindi matapus-tapos ang luha.
Mayamaya ay inilibing na niya si Eugenio sa loob ng kuwebang natatakpan ng waterfalls ng batis. Inulit ni Shirya sa hangin ang kanyang sumpa sa mga mangangaso.
“Tutubuan kayo ng sandaang mumunting halimaw!” (ITUTULOY)
- Latest