Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang tawag sa tea noong unang panahon sa China ay “Tu”? Nagtatanim na sila nito noon pang 1000 BC. Madalas itong gamitin sa isang religious ceremony. Matagal din panahon na kinakain ng mga Tsino ang mga dahon na tsaa na ginagamit nila. Nang dumating ang Han dynasty noong 207 BC nagsimulang gamitin ang tea sa China bilang gamot at inumin ng mga matataas na tao dito. Ngunit noong 618 AD o ang panahon ng Tang dynasty, naging importante na sa mga Chinese ang pag-inom ng tsaa at naging bahagi na ito ng kanilang buhay.
- Latest