^

Para Malibang

Hindi pa inaalok ng kasal

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Beki. Gusto ko sanang malaman kung kami ng bf ko ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay. Kung mahal po ba niya ako talaga? Minsan po kasi isinama niya ako sa office nila. Sabi ng mga officemate niya hindi raw ako ang kasama niya doon dati. Sabi naman niya sa akin huwag akong maniwala dahil binibiro lang ako ng mga kasamahan niya. Nagalit ako at sinabi niya sa akin na kaya nga niya ako sinama ay para makilala ako ng mga kaopisina niya. Five years na po kaming mag-on at marami na rin pong nangyari sa amin pero wala pa siyang balak na magpakasal kami. Sabi niya sa akin darating din kami doon pagdating ng panahon. Pakakasalan po kaya n’ya ako? Ang ayaw ko lang sa kanya ay ang napakamainitin ng kanyang ulo. Pero kahit po siya ganito ay talagang mahal ko siya. Payuhan po n’yo ako dahil pakiramdam ko masisira ang ulo ko sa kakaisip sa kanya na baka niloloko lang n’ya ako.

Dear Beki,

Alisin mo ang pagdududa sa nobyo mo. Dinala ka niya sa opis nila para ipakilala bilang gf nya at dapat kang maging proud. Normal lang ang ganyang biruan sa mga opisina lalo na’t first time ka nilang na-meet kaya ‘wag ka sanang paapekto. May mga mag-asawa na umabot ng 20 years o higit pa ang pagsasama pero naghiwalay din. Nasa sa inyo kung paano ninyo aalagaan at kung hanggang saan ninyo paaabutin ang inyong relasyon. Maari rin na hindi pa siya handa sa pagpapamilya kaya wala pa siyang plano na kayo’y magpakasal. Sa pag-aasawa, hindi lang dapat puro pag-ibig, mahalaga na financially stable din kayo para na rin sa future ng inyong magiging anak.

 

 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

AKO

ALISIN

BEKI

DEAR BEKI

DEAR VANEZZA

NIYA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with