Last Part
Narito ang iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa pera upang patuloy itong dumaloy patungo sa iyo:
Huwag hayaang pakalat-kalat ang pera. Kung pababayaan mo ang pera, pababayaan ka rin niya.
Ang mga barya lalo na ang maliiit na halaga ay hindi na ngayon pinapansin. Ipunin ito sa isang container at ilagay sa wealth area. Magiging magnet ito para dumating ang mas marami pang pera.
Itago sa wealth area ang ATM, bankbook, o kahit anong documento na may kinalaman sa pagkita ng pera.
Panatilihing malinis at maayos ang wealth area ng bahay o kuwarto. Paano malalaman ang wealth area nang hindi gagamit ng compass. Tumayo ka sa inyong front door na nakaharap sa loob. Ang wealth area ay nasa kaliwang sulok sa bandang likod ng bahay. Ganito rin ang paraan ng paghanap ng wealth area sa bawat kuwarto.
Laging magpasalamat sa gabi bago matulog sa grasyang natanggap sa maghapon gaano man ito kaliit o kalaki.