Gusto mo ba ng ‘promotion?’ (2)
Ito ay karugtong ng paksa kung paano ka mapo-promote sa iyong trabaho. Narito ang ilang hakbang:
Paunlarin pa ang iyong kakayanan – Isipin mo kung anu-anong bagay pa ang nais mong matutunan? Hindi mo rin naman kailangan na gumastos pa ng malaki para magkaroon ng bagong kaalaman. Matuto lang mag-research sa mga free online courses, at presto! Malalaman mo na ang mga bagong bagay na nais mong malaman. Puwede mo rin ilista ang mga kurso na nais mo at isa-isang hanapin ang mga ito sa internet. Kapag mag-a-apply sa mas mataas na posisyon, maaari mo ng ilagay sa iyong resume o biodata ang mga bagong kaalamang iyong natutunan lang sa iyong sariling pag-aaral.
I-promote ang iyong sarili – Kung mayroon kang manager o supervisor na hindi marunong pumuri ng magaganda mong gawa, bakit hindi mo na lang ikuwento ang mga ito sa iyong mga kaibigan o kaopisina. Hindi mo kailangan maging mayabang sa iyong pagkukuwento.
Network – Maging palakaibigan. Huwag mong limitahan ang iyong sarili sa mga taong kasamahan mo sa departamento. Makipagkuwentuhan ka rin sa ibang mga tao sa ibang departamento, dahil tiyak na sa pakikipag-usap mo sa kanila ng madalas ay matututo ka ng kanilang ginagawa, lalo pa at mas mataas ang kanilang posisyon sa’yo, tiyak ang promotion mo kung matututunan mo ang mga ito.
- Latest