Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang pagkakadiskubre ng suka o vinegar ay dahil sa aksidenteng pagkakapanis ng isang bangang alak? Ang French word ng vinegar ay “vinagre” na ang ibig sabihin ay “sour wine” o maasim na alak. Sa isang pag-aaral naman ng National University of Singapore, lumalabas na ang dark soy sauce ng mga Chinese ay nagtataglay ng antioxidants at mas marami ito kaysa sa taglay na antioxidants ng red wine. Mayaman kasi sa lactic acid bacteria ang toyo o soy sauce kaya nakakatulong ito para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Mahusay din ang toyo na panlaban sa allergy. Tanging ang asin ang sangkap sa pagkain na hindi tumataas ang presyo sa loob ng 150-taon. 25% ng mga Amerikano ay kumakain ng kanilang agahan sa loob ng sasakyan. Ang Italy ang bansang gumagawa ng pinakamaraming wine sa buong mundo.
- Latest