^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (40)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MALUPIT mag-dialogue ang bading, pinamumulahan ng mukha sa galit dito si Avery.

Walang tigil ang bunganga ng bakla, parang manok na putak nang putak. “Akala mo ba ay malinis ka, ha, mars? Tiyak kong super-super makasalanan ka kaya ka nagdurusa ngayon!”

“Tumigil ka, hindi ako makasalanan!”

“Oh, yeah? Kung gano’n, bakit ka pinarusahan ng Diyos? That is my million dollar question, hitad!”

Hindi alam ni Avery ang kahulugan ng ‘hitad’. Ayaw na niyang alamin, tiyak kasing negatibo.

“Ayaw mong magtapat, ha? Well, ako ang huhula sa mga kasalanan mo, ipokrita! Nanlalaki ka noon nang walang pahinga, ano?

“Kahit siguro mga may-asawa ay kinakama mo! Baka nga kahit banal na padre e inookray mo!”

Hindi na napigil ni Avery ang panggigigil. Dinaluhong niya ang bading at pinagsusuntok sa bunganga.

PUG-PUG-POG.

Sunud-sunod na suntok iyon, lahat ay tumatama sa malupit na bunganga ng bakla.

PUG-PAG-BUG.

“Tama nah! Tama naahh!”  sigaw ng alanganin, suko, taas ang kamay.

Sa paningin ni Avery, umaagos ang masaganang dugo sa bunganga ng kaaway. Bahagya nang napawi ang galit niya rito.

Umiiyak ang bakla, parang inapi. “Napaka­sama mo palang magalit. At daig mo pa si Ronnie Poe kung manuntok. Hu-hu-huyy.”

“Bakit mo ako nakikita?” kunot-noong tanong ni Avery.

“Didn’t I tell you—na pareho tayo ng kalaga­yan? Tayong dalawa ay umani ng Wrath of God!”

Wrath of God, matinding galit ng Diyos sa mga makasalanan. Hindi ito maunawaan ni Avery.

“Ako’y pinalaki na may takot sa Diyos. Hindi ako sinner”.

“Talagah, ‘day? Abah, katakataka-takahh!” (Itutuloy)

ABAH

AVERY

AYAW

BAHAGYA

BAKIT

DIYOS

RONNIE POE

TAMA

WRATH OF GOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with